Thursday, November 28, 2013

Apply Apply din pag may time

Nov. 21, 2013 (Inspired by Lady Stapler--)

It was past week ago since nag-apply kami ng bestfriend ko as a Nurse
With my brother din na IT
Grabe super explore kasi kami sa Manila
Lalo na LRT and MRT na super sardinas kapag ipagpipilitan mong sumakay
Well, wala ka rin naman choice kasi di ka makakarating sa tamang oras kung mag-iinarte ka

From one agency sa Ermita papuntang Makati hanggang makarating ng Mandaluyong
Grabe, di kana fresh. Idadaan mo nalang sa tawa tapos mabigat pa dala namin
Dahil dala namin mga papers namin at the same time yung mga necessities namin

Swerte nga ng bestfriend ko dahil nauna syang nag-apply sa akin
Kaya nakuha na sya sa Al-Hammadi Hospital sa Riyadh which is a great hospital din.

Since late ko na naisip na mag-apply..Ayon kayod to the max
Syempre importante din na choosy ka kasi di basta basta ang mag-apply

It was November 21, 2013 nang magsign na ng contract ang bestfriend ko
sa Al-Hammadi and at the same time nagbayad na sya ng processing fee na humigit
kumulang sa 15,000 pesos, while ako..naghahanap pa rin ng agency

Before the end of the day, umakyat kami ng bestfriend ko sa GEDISCO building para puntahan
ang ARJOY'S ENTERTAINMENT, nagbabasakali lang na makapag-apply din.
Then pumasok kami at pnagsign kami sa parang biodata nila..pero application form yun.

And then after that pnaprepare ako ng mga requirements ko. Wala akong napasa na prometric results since
nakaschedule na ako. And then after signing in sa application form and passing my requirements. Pinasagot nila ako ng parang assessment tungkol sa  mga anong alam ko eh halos di ako pamilyar sa mga iba since
sa hospital na pinagmulan ko eh puro para paraan..

Then after that pina-sign nila ako ng parang form ng Al Kharj Military Hospital. Actually pagabi na noon..mga past 6PM na. After nun..hiningi sa akin ang passport ko. And then I told them na wala akong dalang original since puro xerox dala ko.

And they told me na di nila ako eh-la-line up if di ako magpapass ng passport..
Syempre..isip isip muna ako baka kasi mahirapan na akong kunin if kelangan ko na
Although accomodating naman mga agent nila dun. Pero I have to go sa province din kasi
And tell my mom about sa mga pinag-applyan namin ng kapatid ko.

Nov. 22, 2013
Safe na akong nakauwi ng Province and we told mom about our application sa mga agency.
Actually dream ko na talaga ang makapasok sa Military Hospital ever since na nag-aaral ako ng Nursing
And good thing about it is supportive naman si mama ko..sabi pa nga nya ibigay ko na yung passport ko
sa ARJOY'S.
Although mejo alanganin ako sa desisyon  na un dahil marami akong nababasa sa net na matagal sila magpaalis sa ARJOY'S.

Pero I'm hoping and praying to GOD
Na makaalis ako after Christmas or Early January 2014
Para makatulong na ako sa Parents ko at sa Business namin.

#thinkpositive
#nothingisimpossible
#AlKharjMilitaryHopitalNurse
#exam&interviewpass
#2013VISA2Riyadh


Nov. 23, 2013

Nasa Manila na kami by 11AM, super traffic pa rin kahit sabado
We're on our way to ARJOY'S Agency to surrender my passport
Binigay ko na! Happy ako pero positive lang..GOD's timing is perfect!!
At sinabi ng agency na I just have to wait for their text since nasa kanila na ang passport ko
For Interview and Exam and I have to wear business attire for that event
And they advice me na magreview regarding sa NICU and other areas.
Kabado na ako pero super excited. I know, I believe.
itetext na nila ako for interview and exam this December 2013 (100x)
Di naman ako excited!!!hehehe...Mahalaga lang talaga sa akin ang oras.

#thinkpositive
#ThankyouGOD
#nothingisimpossible
#AlKharjMilitaryHopitalNurse
#exam&interviewpass
#2013VISA2Riyadh

Prometrics to go!!!

Hello World!
It's 10:22PM,November 28, 2013 here in our House
Ito ako nagrereview for my Prometrics exam
with manggang hilaw and agamang as my snack.
Nakaschedule kasi ako sa December 5, 2013 at 11:00AM
With GOD's blessing I believe I will pass! #thinkpositive#nothingisimpossible
Grabe,nakakapagod magreview..hahaha
Pero sacrifice sacrifice din pag may time.
Kasi no pain, no gain.
Sakit na nga likod ko eh..(hahaha..puro reklamo)
Anyway I'll post more pag napagod na ako para ganahan ulit.

#PrometricsPasser
#MilitaryHospitalinterviewpass
#exampass
#2013VISA
#ThankyouGOD