Thursday, February 14, 2013

Love Flicks

Last February 13, 2013, after the Group Training of Unstoppable Heidz Team. Uuwi na sana ako ng maisip ko may activity pala sa church namin sa Victory Christian Fellowship na pinamagatang "Love Flicks". So I decided na pumunta pero mas masayang magyaya narin ng kasama para it's more fun. Kaya niyaya ko na si Heidz para naman makapag unwind sya sa pressure ng mundo..hahaha..literal na mundo talaga eh. And I'm so thankful na niyaya ko sya dahil naging masaya talaga ang pagpunta namin together with denber and madi because merong mga games and food (love lollipop, popcorn,ice tea and love bread) then we had this film showing of different movies for SINGLES ONLY ha..(yung mga di pa married), trailer lang naman. Then we watch a short film made by wongfu about sa stages of relationship which is:

  • Stage 1: The Meeting
  • Stage 2: The Chase
  • Stage 3: Exclusively Dating
  • Stage 4: Comfortable
  • Stage 5: Tolerance
  • Stage 6: Downhill
  • Stage 7: Break -Up
Actually, I learn a lot because after we watch the film, we had this question and answer portion sa bawat table such as:
  • Who do you think should be in control of the relationship?
  • What is the crucial part of the stage?
  • What are things na sana ginawa nila at hindi nila ginawa sa isang relationship?
I will leave the answer to you na ha..All I could remember is yung sagot ni Mike na dapat sa The Chase (Stage 2) should be an ongoing process sa isang relationship and it should not stop and the most important things is sa The Meeting (Stage 1) kasi dapat they should seek GOD first muna. TAMA eh!
At isa pang important quote na narinig ko kay kuya Gerard is "If you wanna hate something, Hate the situation, do not hate the Person". Isa pang malaking TAMA EH! Great and GOdly men is in the House talaga..
After that,Pastor Fidel gave us the pinaka-message of the event. I cannot remember everything pero dapat sa isang relationship, GOD should be the center of it and at the same time trust should be there. Di na dapat pinapaabot sa time na nagiging comfortable na kayo sa isa't-isa. There should be right direction in that relationship. Para naman sa mga guys, this is the quote na hindi ko malimutan galing kay Pastor Fidel--Do not let the woman fall in love with you if you're not ready to catch her. TAMA EH! Dapat bago nyo pa sya i-chase, may vision na kayo na " is this gonna be the woman I wanna share my whole life with". Although we can never tell at all but we should know because relationship is not a game. And for the girls naman, we should set our limitations--we cannot give everything to them. 
Just like a christmas gift--the most exciting part of it is opening your gift on a Christmas day. At sa relationship ng man at woman--the most exciting part of it is MARRIAGE. And yan ang magiging next topic natin on February 27, 2013. So sa lahat ng nagbabasa nito, sana makapunta kayo. Everybody is Welcome at Victory Christian Fellowship-Dagupan Chapter--6pm. Set the time and date. OK. Kung di nyo alam pano pumunta dun.Feel free to message me here.Thank you guys for reading. Thank you LORD!

BMW M8 HYBRID VISION...


Kita ko palang. Nakakagigil na! Thank you kay GOD at ipinakita nya sa akin ito. I love seeing things that I know it is mine but I don't how to have it.Hahaha..Sounds crazy right?! But I have always believe na NOTHING IS IMPOSSIBLE--di lang yan galing sa kanta ng Planetshakers pero galing pa yan sa Bible that For GOD, nothing is impossible. Sarap diba! Nakikita ko palang, gusto ko na iharorot. Paano pa kaya kung ida-drive ko na yan. Ay grabe! Di ako naka-drugs pero naka-high ako. I love it!!
Thank you LORD!

Attract what you want!!

These past few days I've been dreaming that I already own this book. Really! Grabe!! Gustong-gusto ko talaga ito kaya lagi kong dine-declare sa sarili ko na AKIN NA ITO!
Kaya ang una kong ginawa is hanapin itong book na ito sa National Bookstore (the famous bookstore in the Philippines) and so sad to say di sya available dito sa province(Pangasinan) namin. Then hinanap ko din sya sa Booksale. Anggapo (pangasinan word for wala) din, so bumalik ako ulit sa National Bookstore para tanungin nalang kung available ba ito sa ibang NBS (National Bookstore) outside Pangasinan Area. And I was so happy to hear na meron nga pero sa Manila. Pero ok lang, second question ko is magkano, the nice lady told me na it is worth 712 pesos. Mahal! Pero ok lang, di ko naman mabibili yung information na matutunan ko sa book na ito eh..Hehehe..So I've been planning to have this book by March or April of 2013. Hindi ko man alam kung san ko sya bibilhin ngayon, basta alam ko sa Manila. But I will own this. I know I will. Ganito talaga kasi ako kapag may gusto akong bagay or gustong ma-achieve, I have to know every details para malaman ko paano ko talaga sya makukuha aside from attracting it and affirming to yourself na sa iyo na talaga. Di ba? So for now..Abangan nalang!
Thank you LORD!